Random Pensieve

My personal pensieve for my precious thoughts on life, love, etc. (a.k.a. my much ado about nothing)

Saturday, April 01, 2006

Kalan!

Heto na, heto na
Araw na inaasam-asam
Narito na ang Sabado –
Araw ng kalan!

Ihanda ang baro
Maglagay ng pulbo
Narito na ang Sabado –
Araw ng kalan!

San man magpunta
Lagi nang alintana
Narito na ang Sabado –
Araw ng kalan!

Palingun lingon ang ulo
Pasulyap sulyap ang mga mata
Narito na ang Sabado –
Araw ng kalan!

At pagkagat ng dilim, O anong saya!
Halina’t umindak
Narito na ang Sabado –
Araw ng kalan!

Ibuhos ang cervesa
Linangin ang baga
Narito na ang Sabado –
Araw ng kalan!

 
Listed on BlogShares Blogroll Me!

Powered by Blogger