Random Pensieve

My personal pensieve for my precious thoughts on life, love, etc. (a.k.a. my much ado about nothing)

Sunday, June 04, 2006

Sa Fifth Floor Coffee Shop

Ano itong ingay na aking naririnig?
Dalawang matsing ang nagpapataasan ng ihi!

Nyebe! Arabo?! Steak?! GI?!
Aba’t talo pa ang TVJ!
“Wala ka sa lolo ko…”
Kulang na lang, sabihin nila ito

Ah, naintindihan ko na
“American wives” ang tawag nila sa kanila
Asawa pala ng GIs ang mga muher!

Pakialam ko ba sa kanilang usapan
Oo, wala nga sana akong pakialam
Eh kaso kulang na lang gumamit ng megaphone
At ipagsigawan ang pinaguusapan!

Buti sana kung maingay ang lugar
Eh dyos ko! Tatatlo lang kami sa coffee shop!

Ayan, salamat naman at natahimik rin
Ang mga muher, nagutom yata at umalis rin
“Naglunch ka na ba?” “Oo tapos na”
“Tara labas tayo, ang lamig kaya dito.”

At muling nanumbalik ang kapayapaan
Nang ang dalawang matsing na nagpapataasan
Ayun at kumulo ang mga tyan sa sobrang daldal

 
Listed on BlogShares Blogroll Me!

Powered by Blogger