Random Pensieve

My personal pensieve for my precious thoughts on life, love, etc. (a.k.a. my much ado about nothing)

Wednesday, January 07, 2004

nagtatanong lang

paano kung di ko alam ang gusto kong mangyari,
dapat bang hanapin, itanong, isangguni?

paano kung malaman ko'ng ayoko ng dapat kong gawin,
tatanggi ba ako o susunod din?

paano kung 'di umayon ang naisip kong tahakin,
tatanggapin ba ang bunga o iba ang sisihin?

paano kung sa huli'y naisip na 'di na dapat nagtanong,
may saysay pa bang ituloy ang saknong?

nagtatanong lang
 
Listed on BlogShares Blogroll Me!

Powered by Blogger